Ibinabala ng Commission on Population o POPCOM na posibleng umabot sa mahigit 8,000 ang bilang ng maternal deaths o namamatay sa panganganak sa bansa sa susunod na anim na taon kung hindi aalisin ng supreme court o SC ang ban sa pamamahagi ng subdermal implant contraceptives.
Hinimok ng POPCOM ang SC na tanggalin na ang temporary restraining order o TRO laban sa sale at distribution ng implanon at implanon nxt.
Batay sa pag-aaral ng POPCOM, nasa kalahating milyon na ang karagdagang bilang ng unintended pregnancies o hindi inaasahang pagbubuntis simula nang maglabas ng TRO ang korte suprema noong June 2015.
Mahigit 1,100 mula sa kalahating milyon ang maaaring magresulta sa maternal deaths at maaari ring sumampa sa 113.7 million ang populasyon ng bansa sa taong 2022 mula sa kasalukuyang 104 million.
Ipinaliwanag din ng POPCOM na ang posibleng pagpapalwig ng korte suprema sa TRO sa lahat ng modern family planning ay lalong maka-aapekto sa demographic scenario ng bansa sa susundo na mahigit 20 taon.
By Drew Nacino