Ibinasura ng Sandiganbayan ang mga kaso ni dating Congressman Ed Zialcita at iba pa.
Sa resolusyong inilabas ng Second Division ng Anti-Graft Court, ibinasura ang mga kasong malversation of public funds, violation of anti-corrupt and practices act, at falsification of public documents laban kina Zialcita at mga kapwa-akusado na sina Dennis Araullo at Raymundo Braganza.
May kaugnayan sa fertilizer fund scam ang mga ibinasurang kaso nina Zialcita.
Sa paliwanag ng Sandiganbayan, lumabag ang tanggapan ng Ombudsman sa speedy trial provision ng konstitusyon dahil naantala ng apat na taon ang proseso ng filing ng kaso laban kay Zialcita.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc