Wala pang official communication ang AFP mula sa Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapatigil sa opensiba laban sa NPA.
Kasunod na rin ito nang pagbabalik sa negotiating table ng gobyerno at NDFP.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla habang wala pang direktiba ang Pangulo ay tuluy tuloy pa ang operasyon nila laban sa rebeldeng grupo at mananatili ang kasalukuyan aniyang set up ng mga sundalo sa field.
Samantala tiniyak ni Padilla na suportado ng AFP ang anumang hakbang ng gobyerno lalo na sa usapang pangkapayapaan.
By: Judith Larino / Jonathan Andal