Iginiit ngayon ng China na hindi maaaring angkinin ng Pilipinas ang Benham Rise.
Binigyang diin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang na ang Benham Rise ay bahagi pa rin ng 200 nautical mile exclusive economic zone ng Beijing.
Nanindigan din ang China na sa kabila ng pag-award ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf sa claim ng Pilipinas sa Benham Rise noong 2012, hindi pa rin anila ito nangangahulugan na teritoryo ng Pilipinas ang naturang lugar.
Matatandaang namataan ang mga survey ships ng China sa Benham Rise na ikinabahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na humantong sa paghingi ng klaripikasyon ng ahensya sa Beijing.
By Ralph Obina