Puspusan ngayon ang paghahanda ng pamahalaan sa posibleng pagtama ng El Niño sa bansa sa huling bahagi ng taon.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., na kumikilos na ang mga ahensiya ng pamahalaan kaugnay nito.
Tinututukan na aniya ng Department of Agriculture (DA) ang mga lugar na malamang makaranas ng tagtuyot.
Nagsasagawa na rin ng iba’t-ibang mitigation projects para matulungan ang mga lugar na maaring tamaan ng tagtuyot.
By Mariboy Ysibido