Itinuro ni Liberal Party President at Senador Kiko Pangilinan ang mga presidential appointee, bilang ugat ng problema sa administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ng senador sa gitna ng mga akusasyon na mayroong plano ang partido Liberal na pabagsakin ang administrasyon.
Sinabi ni Pangilinan na anim na ahensya ng pamahalaan ang nagkakagulo, hindi dahil sa ano mang plano ng destabilisasyon, kundi dahil sa problema sa mismong mga lider nito.
Sinabi ni Pangilinan na ang anim na ahensya ay ang Philippine National Police (PNP); Bureau of Immigration (BI); National Food Authority (NFA); National Irrigation Administration (NIA); Tourism Promotions Board; at Department of Foreign Affairs (DFA).
By Katrina Valle