Hinihintay na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng precision guided satellite mula China bago tuluyang bombahin ang kuta ng Abu Sayyaf sa Mindanao.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakakuha na ang Pilipinas ng mga jet planes na kayang lumipad ng araw at gabi sa tulong ng satellite para pulbusin ang mga bandido.
Gayunman, pasensyahan na lamang anya kapag may nadamay na sibilyan dahil kailangang matapos na ang probloema sa terorismo.
Nanindigan ang Pangulo na kakayanin pa niyang lunukin ang ginagawang pag-atake ng ASG sa mga kampo ng militar at pulis subalit hindi niya maatim ang pambobomba sa mga eskwelahan at pagpugot sa mga inosenteng sibilyan.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping