Iginiit ng ilang Senador na hindi dapat inaateke ng isang Senador ang kapwa niya mambabatas alinsunod sa mga patakaran ng Senado.
Sinabi ito ni Senador JV Ejercito kasunod ng pagkwestyon ni Senadora Leila de Lima hinggil sa sense of right and wrong ng kanyang mga kapwa Senador sa gitna ng aniya’y kanilang pananahimik sa lumilitaw na pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpatay sa mga suspected criminal lalo na sa mga drug suspect.
Ayon kay Ejercito, igalang sana ni De Lima ang mga kasama niya sa Senado lalo’t marami sa kanila ang nag-alala sa kaligtasan ng Senadora sa kulungan.
Sa panig naman ni Senador Tito Sotto, sinabi niyang posibleng bumalik kay De Lima ang mga patutsada niya sa kanyang mga kapwa-Senador.
By: Avee Devierte / Cely Bueno