Binalaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong nagsasamantala para pagkakitaan ang federalismo.
Ayon sa Pangulo, wala siyang binigyan ng otorisasyon para mag print ng card at mangolekta ng membership fee para sa grupong sumusuporta umano sa federalism.
Ipinabatid ng Pangulo ang impormasyong natanggap niya hinggil sa paniningil ng P50.00 na membership fee para makapag recruit na sumali sa federalismo sa Luzon.
Sinabi ng Pangulo na pinatutugis na niya sa mga otoridad ang nasa likod ng nasabing raket.
By Judith Larino |With Report from Aileen Taliping