Iginiit ni Congressman Edcel Lagman na posibleng madiskwalipika bilang testigo ang mga convict na nagbigay ng testimonya laban kay Senadora Leila De Lima alinsunod dalawang ligal na dahilan.
Una, ayon kay Lagman, requirement ng witness protection program na may kaso dapat ang testigo.
Ngunit lumalabas na hindi nakasuhan at nadismiss pa ang mga kaso ng mga convict na gagamiting witness laban kay De Lima kaya hindi sila maibibilang sa least guilty provision ng witness protection program.
Sinabi rin ni Lagman ang ikalawang dahilan na, batay sa rules of court, hindi maaaring tumestigo ang mga na-convict ng mga kasong moral turpitude.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc