Nilinaw ni Senador Bam Aquino na saklaw ng “free higher education for all act” ang lahat ng SUC o State Universities and Colleges kung saan magiging libre na ang matrikula.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ni Aquino na, bagamat may grade requirement na itatakda ng Commission on Higher Education, hindi ito katulad ng academic scholarship na kailangan pang aplayan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Bam Aquino sa BNSP
Ayon pa sa may akda ng Senate Bill 1304 o free higher education for all act, hindi na kailangan pang magsumite ang mga estudyante ng Income Tax Return ng kanilang magulang.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Bam Aquino sa BNSP
Sinabi ni Aquino na wala pang implementing rules and regulations ang panukalang batas ngunit target na aniyang ipatupad ang libreng matrikula sa oras na makalusot sa Kamara ang bersyon nito sa nasabing panukalang batas.
Tiniyak din ni Aquino na magkakaroon ng sapat na pondo para tugunan ang libreng matrikula sa SUC.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Bam Aquino sa BNSP
By: Avee Devierte