Lumipad na sa Mindanao ang dalawang bagong fighter jets ng Philippine Air Force (PAF).
Ito ang unang pagkakataon na lilipad ng Mindanao ang bagong FA-50 jets ng Philippine Air Force matapos ang kanilang familiarization flight mission sa Visayas.
Ayon kay Col. Antonio Francisco, Spokesman ng PAF, ang paglipad sa Mindanao ay bahagi ng familiarization flight mission ng FA 50 jets kung saan ipinapakita sa publiko ang kakayahan nito at patunayang mahalaga ang mga ito sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa.
Pagkakataon na rin anya ito para sanayin ang kanilang mga piloto sa pagpapalipad ng mga fighter jet at maging pamilyar sa kalupaan at panahon sa Mindanao.
Cagayan de Oro, Surigao at Butuan ang unang destinasyon ng FA 50 fighter jets at susundan uli ito bukas sa Davao.
By Len Aguirre | Report from Jonathan Andal (Patrol 31)