Umabot na sa dalawampu’t pito (27) ang napatay na sangkot sa illegal drugs, isang linggo matapos ikasa ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Double Barrel Reloaded.
Batay ito sa tala ng PNP mula March 6 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Marso 15.
Pinakamarami sa mga naitumba ng pulis matapos manlaban ay nagmula sa Region 3.
Samantala, may dalawang pulis namang nasugatan sa kasagsagan ng mga operasyon.
Sa loob lamang ng mahigit isang linggo, anim na raan at pitumput syam (679) nang anti-drug operations ang naisagawa kung saan may mahigit isang libo (1,000) na ang naaresto.
Sa ilalim naman ng Oplan Tokhang Revisited, mahigit na sa dalawampu’t tatlong libong (23,000) kabahayan ang nakatok ng mga pulis at napasuko ang halos isang libo at limandaang (1,500) drug users at apatnapu’t anim (46) na drug pushers.
By Len Aguirre | Report from Jonathan Andal (Patrol 31)