Sinibak na ni MPD o Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel ang 5 pulis na inaakusahan ng pangongotong ng mga tindero.
Ito ay matapos sumugod sa MPD, kaninang umaga, ang grupo ng mga tindero, bitbit ang larawan ng limang inirereklamong pulis.
Sinabi ni Coronel na ang pagsibak sa puwesto sa limang pulis ay para mabigyang daan ang imbestigasyon laban sa mga ito.
Binigyan ni Coronel ng 24 oras para mag report sa kanya ang limang pulis ay may ranggong PO1, PO3 at SPO3 at mga nakatalaga sa Station 5.
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco