Ipinagbabawal na ng Philippine Coast Guard ang pagdaan at pagpasok ng mga barko sa Tubbataha Reef na isang deklaradong marine natural park sa Sulu Sea.
Ito, ayon kay PCG Spokesman, Commander Armand Balilo, ay makaraang aprubahan ng International Maritime Organization Sub-Committee on Navigation Communications and Search and Rescue sa panukala ng Pilipinas na ipagbawal na ang mga barko sa naturang lugar.
Nakatitiyak si Balilo na ma-po-protektahan na ang marine environment sa Tubbataha.
Gagabayan naman anya ang mga kapitan ng mga barko upang mapigilan ang kanilang pagpasok sa naturang karagatan at maiwasan ang mga posibleng insidente ng pagsadsad ng mga vessel sa bahura.
Ang Tubbataha reef ay deklarado ring UNESCO World Heritage Site.
By: Drew Nacino / Aya Yupangco