Itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kamay ng Malakanyang sa pagtanggal sa dating Pangulong Gloria Arroyo bilang Deputy Speaker at iba pang kongresistang bumoto laban sa death penalty bill.
Ayon kay Alvarez, walang basehan ang sinasabing go signal ng Malakanyang sa naging aksyon ng house leadership dahil hindi dapat naisasakripisyo ang independence ng Kamara.
Binigyang diin ni Alvarez na ang pagtanggal sa puwesto sa Kamara at Committee Chairmanships sa mga kongresistang bumoto laban sa death penalty bill ay ginawa nila nang naaayon sa polisiya ng Kamara.
Nilinaw ni Alvarez na ang death penalty bill ay leadership sponsored bill at kung bahagi ng liderato ang isang kongresista, dapat siyang sumuporta rito.
By Judith Larino