Laya na ang panibagong batch ng mga bilanggong nabigyan ng pardon ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang mga nasabing bilanggo, ayon sa Board of Pardons and Parole ay mula sa New Bilibid Prisons (NBP), Iwahig Prison and Penal Farm, Davao Prison and Penal Farm at Correctional Institution for Women.
19 mula sa 39 na bilanggo ang nag qualify sa parole matapos aprubahan ng Pangulo ang commutation of sentences o pagpapababa ng sentensya ng mga nakakulong noong February 22.
Magugunitang noong isang linggo ay binigyan ng DOJ o Department of Justice ng certificate of pardon at parole ang unang batch ng 127 inmates na inirekomendang palayain dahil sa katandaan at hindi maayos na kalusugan.
By Judith Larino