Maituturing na suntok sa buwan ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ay dahil walang patutunguhan ang reklamo sapagkat wala itong aktuwal at ligal na batayan.
Ang mga paratang umano na nasa reklamo ay hindi nakabatay sa kongkretong ebidensya para pagbatayan ng grounds for impeachment.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang grounds for impeachment ay ang Culpable Violation of the Constitution, Graft and Corruption, Treason, Betrayal of Public Trust at iba pang high crimes.
Idinagdag ng kalihim na hindi maituturing na ebidensya ang mga paratang na walang katibayan kaya’t kumpyansa siyang mababasura lamang ang inihaing impeachment complaint ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano.
By Drew Nacino |With Report from Bert Mozo