Minaliit ng Malakanyang ang impeachment complaint na inihain sa Kamara laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang batayan ang reklamo laban sa Pangulo kaya’t malabo itong magtagumpay.
Black propaganda lamang anya ito upang sirain ang reputasyon at integridad ni Pangulong Duterte pero hindi kayang tabunan ang mataas na popularidad nito.
Ayon kay Panelo, lahat ng aksyon at mga pahayag ni Pangulong Duterte ay alinsunod sa konstitusyon na layuning pagsilbihan at protektahan ang sambayanan.
Naniniwala ang kalihim na hindi aani ng suporta sa publiko ang impeachment complaint dahil mas marami ang sumusuporta at nagtitiwala sa kasalukuyang administrasyon.
Samantala, inihayag naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang nilalabag na batas ang punong ehekutibo at lahat ng mga aksyong ito ng mga kritiko ay patungo sa destabilisasyon.
By: Drew Nacino