Nilinaw ni Senator Bongbong Marcos na ang substitute bill na ipapalit sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL ay hindi bago dahil pinaganda lamang nito ang bersiyon ng Malacañang na isinumite sa kongreso.
Bagama’t maraming nakapaloob na labag sa konstitusyon, binigyang diin ni Marcos na ginagamit niya ang original measure bilang framework ng kanyang binubuong bagong bersiyon ng panukalang batas.
Balak ni Marcos na itulak ang naturang substitute bill sa pagbabalik sa sesyon ng kongreso sa Hulyo 27.
Ang kontrobersyal na panukala ang pinaniniwalaang magiging daan ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
By Jelbert Perdez