Nasunog ang isang roll on-roll off (RORO) vessel sa gitna ng karagatan sa Batangas – Calapan, Mindoro area kagabi.
Ayon kay PO3 Geofrey Salcedo ng Phillipine Coast Guard-Batangas, nagsimula na masunog ang MV Reina Hosanna bandang alas-10:30 ng gabi habang naglalayag mula Calapan patungong Batangas port.
Aniya, nasa ligtas nang kalagayan ang walumpu’t walong (88) mga pasahero matapos itong i-rescue ng Coast Guard.
Nahila na ang barko sa Batangas Port habang patuloy pa rin ang pagsisikap na maapula ang apoy.
By Rianne Briones