Patay ang apatnapu’t dalawa (42) katao habang marami ang sugatan sa airstrike sa isang mosque o masjid sa lugar na hawak ng mga rebelde sa northern Syria.
Nangyari ang pag-atake sa Al-Jineh sa Aleppo Province.
Batay sa ulat ng Syrian Observatory for Human Rights , puno ng mga residenteng sumasamba nang bombahin ito.
Sinasabing karamihan sa mga nasawi ay pawang mga sibilyan.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung sino ang nasa likod ng naturang pag-atake.
By Ralph Obina