Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang re-investigation sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Naghain ng kontra-salaysay ang miyembro ng PNP Anti Kidnapping Group na si Superintendent Allan Macapagal na una nang inireklamo ng NBI ng Obstruction of Justice .
Nag-ugat ang reklamo sa raid noong October 18 sa Gream Funeral Services sa Caloocan City kung saan nakita umano ang golf set ni Jee.
Ayon sa NBI, planted ang nasabing golf set na nabawi ng PNP-AKG dahil ayon sa staff ng Gream Funeral Services walang golf set na ibinaba mula sa sasakyan ni Jee sapagkat ang mga labi lamang ng Koreano ang dinala sa funeral parlor.
Gayunpaman, iginiit ni Macapagal sa kanyang affidavit na dapat mabasura ang reklamo laban sa kanya dahil ginampanan lamang niya ang kanyang trabaho na ipatupad ang search warrant na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court.
Samantala, inaasahang maglalabas ang Department of Justice ng kanilang desisyon bago mag-Abril 19 na itinakdang deadline ng Angeles City Regional Trial Court para sa re-investigation ng nasabing kaso.
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo