Go signal na lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay ng AFP para makapag trulya at magsagawa ng mapping survey sa Benham Rise.
Ayon ito kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na tiniyak ang kahandaan ng militar na i survey ang Benham Rise na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sinabi ni Padilla na may kakayahan ang AFP na magkasa ng mapping survey sa Benham Rise gamit ang mga barko ng Philippine Navy samantalang uubra namang gamitin ang ilang aircraft ng Philippine Air Force para sa aerial survey.
Magugunitang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tatlong buwan na umanong naglilibot na survey ship ng China sa Benham Rise.
By: Judith Larino