Nagpaabot ng concern ang pinakamataas na Foreign Human Rights Policy Official ng Germany kaugnay sa posibleng pagbuhay ng parusang kamatayan sa Pilipinas at tumataas na death toll sa anti illegal drugs campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Binatikos ni Barbel Kofler, Federal Government Commissioner for Human Rights Policy and Humanitarian Aid ng Germany ang paglusot ng House Bill 4727 o pagbuhay sa parusang kamatayan.
Hindi aniya makatuwiran ang pagpasa sa nasabing panukala sa gitna na rin nang mahigpit na ugnayan ng Germany at Pilipinas para sa kampanya kontra human trafficking gayundin sa poverty reduction at international climate policy.
Naalarma rin si Kofler sa bilang ng mga napapatay sa kampanya kontra iligal na droga kayat dapat nang bisitahan ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard ang Pilipinas para imbestigahan ang pagkamatay ng halos 8000 katao.
By: Judith Larino