Kasado na ang isasampang asunto ng OSG o Office of the Solicitor General laban kay Senador Leila de Lima.
Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ito’y matapos matuklasan nila ang problema sa regularidad ng notaryo na nasa verification at certification against forum shopping na isinumite ng Senadora kasabay ng kanyang petisyon sa Korte Suprema.
Naniniwala ang OSG na mayroong intensyong lokohin nina De Lima at Atty. Maria Cecille Tresvelles-Cabalo ang Korte Suprema nang palitawin nila na personal na pinanumpaan ni De Lima ang kanyang petisyon.
Posibleng falsification na kasong kriminal sa ilalim ng Revised Penal Code at reklamong administratibo ang ihain nila laban kina De Lima at Cabalo.
By Meann Tanbio | Report from Bert Mozo (Patrol 3)