Pinag-aaralan ng Magdalo Party-List na magsampa ng isa pang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y dahil sa pagpayag umano ng Pangulo na maglayag ang mga survey ship ng China sa Benham Rise.
Ayon kay Magdalo Represenattive Gary Alejano, sinisilip na ng kanilang mga abugado ang nasabing isyu.
Hahanap muna anya sila ng mga dokumentong pirmado mismo ng Pangulo na magpapatunay sa nasabing kasunduan.
Ayaw anya nilang maghain ng impeachment complaint base lamang sa mga berbal na pahayag ng Presidente.
Noong nakaraang Huwebes inihain sa Kamara ni Alejano ang kauna-unahan impeachment case ni Duterte.
Ito’y may kaugnayan sa kampanya ng pamahalan kontra droga na nagresulta umano sa extra judicial killings (EJK’s), sa umano’y tagong yaman ni Duterte, ang pagkakasangkot nito sa umano’y davao death squad o DDS, at iba pang kaso.
By Jonathan Andal