Kontrolado umano ng Liberal Party ang United Nations Side Conference on the Narcotics Drugs na ginanap sa Vienna, Austria kung saan ipinakita ang video message ni Vice President Leni Robredo.
Ito ang ibinunyag sa DWIZ ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant secretary Epimaco Densing matapos kumalat at mag-viral sa social media ang video message ng pangalawang pangulo.
Sinabi ni Densing na sponsor ng Liberals and Democrats of Asia ang forum na kaalyado ng Liberal Party kaya’t hindi nakapagtatakang nabigyan ng tsansa ang video message ni VP Leni.
Dagdag pa ni Densing, sinamantala rin ni Commission on Human Rights chairman Chito Gascon ang pagkakataon para mailabas ang kanilang propaganda para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Impeachment complaint vs. VP Robredo, binabalangkas na
Binabalangkas na ng mga magagaling na abugado ang draft ng planong impeachment na ihahain laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Densing, nagpulong na ang high level volunteer lawyers at sinisimulan na ang case building laban kay Robredo.
Ayon sa opisyal, sinira ni Robredo ang tiwala sa kanya ng publiko dahil sa ginawa niyan video message kung saan malinaw na sinisiraan ang bansa sa international community.
Malinaw aniya itong betrayal of public trust, at marami ang nadismaya dahil sa ginawa ni Robredo.
By Aileen Taliping