Mas malaki ang tsansa na ma-impeach si Vice-President Leni Robredo kaysa kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Senate President Koko Pimentel, 100 lagda lamang ng mga kongresista ang kailangan para maiakyat sa Senado ang impeachment complaint laban sa Bise-Presidente.
Ang Kamara ay mayroong 295 Kongresista kung saan mayorya sa mga ito ay kaalyado at kapartido ni Pangulong Duterte na tinawag na “super majority”.
Sinabi ni Pimentel na sa sandaling maiakyat ang impeachment complaint laban kay Robredo sa Senado ay aaktong hukom ang mga Senador sa impeachment trial.
By: Aileen Taliping