Maluwag na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Impeachment Complaint na inihain laban sa kanya sa Kamara pati na ang planong kasuhan siya sa International Criminal Court kaugnay sa umanoy isyu ng extra judicial killings.
Sinabi ng Pangulo na kinikilala niya ang demokrasya sa bansa kayat malaya ang mga grupo na gawin ang nais nilang gawin.
Maiksi lamang ang sagot ng Pangulo na aniya ay malaya ang mga kritiko na gawin ang gusto nila at siya naman ay gagawin nito ang lahat ng magagawa para mapaganda ang pagtatrabaho sa gobyerno.
By: Aileen Taliping