Hindi natatakot si pangulong rodrigo duterte sa mga ikinakasang kaso at reklamo laban sa kanya sa International Criminal Court at sa Kamara.
Tugon ito ng pangulo sa ikinasang impeachment complaint laban sa kanya ni Congressman Gary Alejano .
Ayon sa Pangulo, kung yan ang kanyang magiging kapalaran ay maluwag niya itong tatanggapin at malayang aalis sa puwesto.
Pero tinitiyak ng Pangulo na bago magtagumpay ang mga nais magpatalsik sa kanya ay tutuparin niya ang mga ipinangako para sa mga Pilipino.
Ang mahalaga aniya ay magawa niya ang ipinangako sa kapwa Pilipino.
By: Aileen Taliping