Hindi pa handa ang Pilipinas para banggain ang China sa ginagawang pananakop nito sa South China at West Philippine Sea.
Ito ang reaksyon ng Pangulo hinggil sa naging pahayag ng isang opisyal ng China na balak nilang magtayo ng monitoring station sa bahagi ng Scarborough o Panatag Shoal.
Bago tumulak patungong Myanmar, binigyang diin ng Pangulo na tila suntok sa buwan ang nais ng ilan na makipagdigma ang Pilipinas sa higanteng bansa tulad ng China.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na dahil sa hindi naman masasabing teritoryo ang Panatag Shoal, posible niyang igiit sa tamang panahon ang sovereign rights dito batay sa naipanalong arbitration ng Pilipinas sa United Nations (UN).
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)