Nagsimula na kaninang umaga ang pagbabawal sa mga maliliit na trucks na dumaan sa EDSA tuwing rush hours upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.
Sa ilalim ng Uniform Light Truck Ban policy, bawal na sa EDSA Southbound ang mga trucks na may kapasidad na 4,500 kilograms pababa mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi naman sa Northbound .
Ipinagbabawal rin ang padaan ng mga trucks sa magkabilang direksyon ng Shaw Boulevard mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.
Ayon sa Metro Manila Development Authority o MMDA, hindi kasama sa ban ang mga light trucks na may dalang perishable goods subalit kailangan nilang mag aplay para sa exemption.
By Len Aguirre