Nagtapos na ang working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Myanmar.
Huling aktibidad ng Pangulo ang kalahating oras na pulong nito kay State Counsellor Aung San Suu Kyi sa presidential palace sa Nay Pit Kaw.
Binigyan ng Pangulong Duterte si Suu Kyi ng bouquet of roses at nagbigay din ito ng 300,000 Dolyar bilang humanitarian support sa Ronghiya minority.
Inimbitahan din ng Punong ehekutibo si Suu Kyi na bumisita sa Pilipinas na tinugon naman na kanyang ikukunsidera ang imbitasyon.
Matapos nito ay bumiyahe si Pangulong Duterte patungong Bangkok, Thailand para sa isa pang working visit.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping