Mahaharap sa panibagong kaso si Senador Leila De Lima na kasalukyang nakakulong ngayon sa PNP Custodial Center dahil sa iligal na droga.
Ayon kay Solicitor-General Jose Calida, kasong falsification of public documents ang kanilang isasampa laban kay De Lima makaraan nilang matuklasan ang problema sa iregularidad ng notaryo na nasa verification at certification against forum shopping na isinumite ni De Lima kasabay ng kanyang petisyon sa Korte Suprema.
Naniniwala ang OSG na hindi naman personal na pinanumpaan ni De Lima ang petisyon sa harap ng notary public na si Atty. Maria Cecille Tresvelles-Cabalo kaya maituturing umanong falsified at untruthful ang petisyon ng Senadora.
Naniniwala ang SOLGEN na mayroong intensyong lokohin nina De Lima at Cabalo ang Supreme Court nang palitawin nila na personal na pinanumpaan ng Senador ang kanyang petisyon.
By: Drew Nacino / Bert Mozo