Tinatayang 6000 raliyista ang sumugod sa tapat ng planta ng beverage company na Coca-Cola sa Bacolod City, Negros Occidental.
Ito’y upang i-protesta ang labis na paggamit ng kumpanya ng imported na high fructose corn syrup o HFCS na isang uri umano ng pagpatay sa Philippine Sugar Industry.
Sinupalpal din ng mga demonstrador si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol dahil umano sa pagkiling nito sa isang foreign multinational firm.
Ipina-bo-boycott din ng mga raliyista ang Coke at iba pang beverage firm na gumagamit ng HFCS na maaaring maging dahilan ng pagbaba ng presyo ng lokal na asukal.
Noon lamang isang linggo, bumulusok sa 1,300 Peso per 50 kilogram ang presyo ng asukal mula sa 1,800 pesos noong Disyembre.
By: Drew Nacino