Ipinatupad na ng mga kumpaniya ng langis ang kanilang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.
Piso at sampung sentimos (P1.10) ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel, piso at dalawampung sentimos (P1.20) naman sa kada litro ng kerosene habang walumpung sentimos (P0.80) lamang sa kada litro ng gasolina ang itatapyas ng mga oil companies.
Alas-6:00 ng umaga ngayong araw epektibo ang tapyas presyo sa mga kumpaniyang Shell, Total, Eastern Petroleum, Jetti at Phoenix Petroleum.
Una nang nagpatupad ng kanilang tapyas presyo ang mga kumpanyang Petron, Seaoil at Flying V kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagpatupad ng rollback ang mga kumpaniya ng langis ngayong buwan.
By Jaymark Dagala