Pinag-aaralan na rin ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang pagpapa-disbar kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, walang karapatang maging abogado ang isang katulad ni Robredo na nagsinungaling sa harap ng international community.
Tinukoy ni Jimenez ang video message ni Robredo sa United Nations (UN) kung saan sinabi niyang mahigit sa pitong libo (7,000) ang kaso ng EJK o extrajudicial killings sa Pilipinas noong nakaraang taon lamang.
Dahil din anya sa ginawa ni Robredo ay parang pinatay na nito ang pag-asa ng maraming biktima ng krimen sa justice system ng bansa.
“Meron siyang sariling katotohanan, pero kami, mga biktima na dinadala ng VACC naniniwala pa kami sa justice system, yung mga pahayag niya parang nilabas niya na wala na tayong pag-asa.” Pahayag ni Jimenez
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)
*OVP Photo