Umatras na si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Board Member Mocha Uson bilang speaker sa Senior Leaders Conference ng Philippine Army.
Ayon kay Col. Benjamin Hao, Spokesman ng Philippine Army, sumulat sa kanila si Uson at humingi ng paumanhin dahil hindi na ito makakadalo sa conference na magsisimula ngayong araw na ito.
Sinabi ni Hao na iginagalang ng Philippine Army ang desisyon ni Uson kayat ang labing limang (15) minuto na laan sana sa kanya para magsalita ay gagamitin na lamang nila para sa open discussion hinggil sa social media.
Si Uson ay naimbitahan ng Philippine Army para magsalita kung paano magagamit ng Philippine Army ang social media para sa mas maayos na serbisyo sa bayan.
Sa kanyang Facebook blog, ipinaliwanag ni Uson na nagpasya syang huwag nang dumalo sa event matapos umani ng pagbatikos ang pagpili sa kanya bilang speaker.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)