Patay ang mahigit dalawampu (20) katao habang marami ang sugatan sa pagsabog ng isang car bomb sa Baghdad, Iraq.
Nangyari ang pagsabog sa pamilihan sa Shia Amil District kung saan dagsa ang mga tao.
Wala pang grupong umaako sa naturang pag-atake ngunit sa mga nakaraang buwan ay kahalintulad ito sa mga pambobombang ginagawa Islamic State.
Ang naturang pag-atake ay nangyari sa harap ng ginagawang pagsisikap ng Iraqi Forces na mabawi ang kabuuan ng Mosul mula sa ISIS.
By Ralph Obina