Ipinapaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kasong katiwalian laban kay Senador JV Ejercito.
Napagpasyahan ito ng Sandiganbayan matapos mapag-alaman sa mga abogado ni Ejercito na kakatanggap pa lamang nila ng formal offer of evidence mula sa prosekusyon.
Dahil dito, binigyan ng korte ng 5 araw ang mga abogado ni Ejercito para makapagsumite ng kinakailangang mga pleadings.
Ipagpapatuloy ang pagdinig sa Abril 26 at a 27.
Si Ejercito ay nahaharap sa kasong technical malversation dahil sa di umano’y maanomalyang pagbili ng mahigit sa P2-M halaga ng baril noong alkalde pa ito ng San Juan.
By Len Aguirre