Pinatutsadahan ni Senadora Leila De Lima ang Office of the Solicitor General sa pagiging aniya’y desperado dahil technicalities na lang ang pinagbabatayan at hindi mga tunay na isyu ng pagkakakulong niya.
Ayon sa legal team ni De Lima, dapat sagutin nang tama ng solicitor general ang mga argumento ng senadora para sa kanyang petisyon.
Nanindigan din ang sendora na walang basehan ang sinasabi ng solicitor general na depektibong pagpapanotaryo ng kanyang petisyon sa korte suprema.
Sinabi ng mga abugado ng senadora na nakipagkita kay De Lima ang notaryo publiko sa Camp Crame para lagdaan ang naturang petisyon.
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo