Ipupursige ng Gabriela Partylist ngayong buwan ang public hearings kaugnay ng panukalang batas hinggil sa diborsiyo.
Ayon kay Representative Luzviminda Ilagan, itutulak nila ang pagtalakay sa House Bill No. 4408 o ang “Divorce Bill-Filipino Style” dahil sa pahayag ni Pope Francis na tila “morally necessary” na para sa ilang mag-asawa ang maghiwalay.
Ito rin umano ang nagbunsod kay Ilagan para ihain sa ikatlong pagkakataon ang Divorce Bill.
Sa nakalap na datos ng Gabriela, as of 2011, pumalo na sa 10,528 annulment cases ang naihain sa OSG o Office of the Solicitor General.
By Jelbert Perdez