Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na laging handa ang militar na itaguyod ang seguridad ng publiko, nasa Maynila man o wala ang Maute Terrorist Group.
Sa panayam na programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ni AFP Spokesperson General Restituto Padilla na hindi kwestyon sa kanila kung mayroong banta sa seguridad kundi kailan magaganap ang pag-atake.
Kaya hiniling din ni Padilla sa publiko na laging maging handa, alerto, at mapagmasid sa kanilang kapaligiran at makipagtulungan sa mga otoridad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anumang impormasyon hinggil sa mga kahina-hinalang indibidwal o aktibidad.
Samantala, sinabi ni Padilla na nakikipag-ugnayan pa ang AFP sa Philippine National Police kaugnay sa Maute Group member na naaresto ng pulisya.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesperson Gen. Padilla
By: Avee Devierte