Umaaray na ang mga magsasaka sa Zamboanga City dahil pinsalang idinulot ng cocolisap sa mga pananim nilang niyog.
Batay sa tala ng Philippine Coconut Authority sa lugar, tinatayang nasa 100,000 puno ng niyog ang apektado ng nasabing peste.
Dahil dito, nananawagan ang mga magsasaka ng niyog sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga para magdeklara ng state of calamity sa kanilang lugar para maresolba ang nasabing problema.
Kinakailangan din ang mga makabagong uri ng pestesidyo na nagkakahalaga ng mahigit anim (6) na milyong piso para tuluyan nang masugpo ang mga mapaminsalang peste.
By Jaymark Dagala