Inihayag ni Congressman Edcel Lagman na hindi dapat pagbatayan ang numero sa kongreso.
Ayon kay Lagman, malaki ang pagkakaiba ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang ilalatag na reklamo kay Vice President Leni Robredo.
Kinasuhan ng high crimes si Pangulong Duterte dahil sa multiple murder at crime against humanity sapagkat suportado, aniya, nito ang pagkamatay ng 8,000 drug susect samantalang nagsumbong lamang si Robredo sa United Nations hinggil sa nagaganap na extrajudicial killings o EJK’s.
Ayon pa kay Lagman, betrayal of public trust ang ikinaso sa Pangulo habang mas naitaguyod pa ni Robredo ang tiwala ng publiko dahil iniulat niya ang tungkol sa mga pagpatay.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resonotc