Naglunsad ng protesta sa tapat ng Department of Transportation ang ilang magsasaka mula San Jose Del Monte, Bulacan upang tutulan ang pagtatayo ng MRT 7.
Ayon sa Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan at kilusang Magbubukid ng Pilipinas, apektado ang kanilang hanap-buhay dahil pinapatag na ang mga lupain sa Sitio San Isidro at Barangay Tungkong Mangga kung saan planong itayo ang control center ng MRT.
Higit 1000 magsasaka at pamilya anila ang apektado sa railway project dahil wala namang alternatibong trabaho na ibinibigay ang gobyerno.
Inirereklamo din ng mga demonstrador ang harassment at pagbabanta umano ng militar sa lugar at pag-aresto ng mga pulis sa mga kumokontra sa proyekto.
Tatakbo mula San Jose Del Monte hanggang Quezon City ang MRT-7 na papakinabangan ng higit 300,000 pasahero kada araw.
By: Drew Nacino