Inakusahan ng pangingikil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga kritiko nito na si Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon sa Pangulo, nangongolekta umano ng pera si Trillanes sa mga malalaking negosyante sa bansa.
Dahil dito, sinabi ng Pangulo na maraming negosyante ang natatakot sa senador dahil sa iligal nitong gawain.
Matatandaang panahon pa lang ng kampanya nang akusahan naman ni Trillanes ang Pangulo na mayroon umanong tagong yaman na nagkakahalaga ng (2) dalawang bilyong piso.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Buwelta ni Trillanes
Tinawag na sinungaling ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang akusahan ng Punong Ehekutibo na nangingikil umano sa malalaking mga negosyante.
Hinamon ni Trillanes si Pangulong Duterte na maglabas ng mga ebidensya para patotohanan ang mga inaakusa nito.
Iginiit ni Trillanes na dapat siyang gayahin ng Pangulo na suportado ng mga dokumento at testigo ang mga alegasyon laban sa Punong Ehekutibo.
Apela ni Trillanes, tigilan na ang pambobola at buksan na lamang ng Pangulo ang bank accounts nito kung saan naroon ang tagong yaman nito na nasa (2) dalawang bilyong piso.
By Ralph Obina