Naka-uwi na sa kaniyang pamilya si Michael Kenneth Cruz, ang Chemical Engineer na unang napaulat na nawawala habang papasok sa unang araw ng kaniyang trabaho sa Batangas nuong isang linggo.
Ayon sa report, sinasabing sa Malolos, Bulacan natagpuan ang 23 anyos na si Cruz ngunit tumanggi na ang pamilya nito na idetalye pa kung ano ang nangyari sa binata.
Magugunitang papasok sana si Cruz sa isang food manufacturing company sa Balayan, Batangas nuong marso 16, ngunit hindi na ito nakontak pa ng kaniyang pamilya mula nuon.
Nagpasalamat naman ang pamilya ni Cruz sa mga tumulong at nagdasal upang muli nilang makapiling ang binata.
By: Jaymark Dagala