Walang plano ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY na umalis sa anim na government housing units na kanilang inokupa sa lalawigan ng Bulacan.
Ito, ayon kay KADAMAY Chairperson Gloria Arellano, ay sa kabila ng ipinaskil na eviction notice ng National Housing Authority.
Masyado anyang mabilis ang isang linggong eviction notice gayong deka-dekada na ang kanilang paghihirap.
Samantala, sinuportahan ni Atty. Rey Cortez ng National Union of Peoples Lawyers ang aksyon ng KADAMAY dahil ligal ito sa ilalim ng 1987 Constitution.
Inihalintulad din ni Cortez ang aksyon ng KADAMAY sa pag-okupa ng mga aktibista sa EDSA noong 1986 at 2001 People Power Revolution.
By: Drew Nacino